^

Police Metro

Koko pinalitan ni Sotto

Malou Escudero - Pang-masa
Koko pinalitan ni Sotto
Kinamayan ng bagong Senate President na si Vicente Sotto III si dating Senate President Aquilino Pimentel III matapos magsagawa ng pirmahan ang 15 majority bloc senators para tanggalin sa puwesto ang huli.
Geremy Pintolo

Bilang bagong Senate Prexy...

MANILA, Philippines — Bumaba na kahapon sa puwesto bilang Senate President si Sen.Aquilino “Koko” Pimentel III upang magbigay daan sa kanyang kapalit na si Sen.Vicente “Tito” Sotto III.

Inihayag ni Pimentel ang pagbaba niya sa puwesto at isiniwalat din na siya ang magno-nominate kay Sotto bilang bagong Senate President.

Pinasalamatan nito ang kanyang mga kasamahan sa Senado at anya na isang karangalan ang magsilbi sa Senado bilang presidente nito na hi­nawakan ding posisyon ng kanyang amang si dating Senate President Nene Pimentel.

Binati rin ni Pimentel si Sotto at nag-wish pa ito na sana’y pagkalooban ang bagong Senate President ng maayos na kalusugan at nangakong tutulungan ito sa pagpasa ng mga panukalang batas na makakatulong sa mga mamamayan.

Nanumpa na rin kahapon si Sotto bilang bagong lider ng Senado

Dahil nabakante ang dating posisyon ni Sotto, ipinalit dito si Senator Juan Miguel Zubiri na uupong chairman ng Rules Committee at bagong Senate Majority Leader.

Napunta naman kay Pimentel ang komite ni Zubiri na Trade Commerce and Entrepreneurship.

Sinabi ni Sotto na magpapaalam muna siya sa kanyang noontime show na Eat Bulaga upang matutukan ang bagong posisyon.

Nangako rin si Sotto na hindi papayagang mabanatan ang Senado ng hindi patas at tiniyak din na magiging “cordial” ang relasyon ng Senado at ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

vuukle comment

AQUILINO PIMENTEL III

VICENTE SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with