^

Police Metro

Hacker inaresto sa sextortion

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto sa isang entrapment operation ang isang 19-anyos na lalaki nang tangkain nitong i-blackmail at huthutan ang isang 22-anyos na dalaga kapalit ng hindi pag-upload sa internet ng kanyang sex video, kamakalawa ng madaling araw sa Makati City.

Ang suspek na nakakulong ngayon sa Makati City police detention center ay si Ryan Dizon, ng naninirahan sa B-184 Colot, San Fernando City, Pampanga.

Bago ang pagkaaresto sa suspek ay unang nagsumbong ang biktima na itinago sa pangalang “Mary” sa pulisya ukol sa pagkakatanggap ng mensahe buhat sa isang “Mikay Fernandez” na nagpakilalang isang hacker at nagbanta na ia-upload sa social media ang kanyang ‘sex video’ kung hindi papayag na makipagtalik at ibigay ang kanyang mobile phone.

Ikinasa ang isang ‘entrapment operation’ kasama ang mga tauhan ng Makati City police follow-up at anti-carnapping unit nang maki­pagkasundo ang biktima sa suspek na magkita sa kanto ng EDSA at Arnaiz Avenue sa may Brgy. Dasmariñas.

Dakong alas-3:00 ng hapon nang magkita ang biktima at suspek sa natu­rang lugar at makaraang iabot ng biktima ang kanyang Samsung J5 cellular phone ay dito na sumulpot ang mga pulis at inaresto ang suspek

Isinasailalim sa im­bestigasyon ang suspek kung paano nalaman at nakuha niya ang ‘sex video’ ng biktima.

vuukle comment

HACKER

SEXTORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with