^

Police Metro

Grade 12 stude nilamon ng ilog

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Grade 12 na estud­yante ang nasawi matapos malunod habang naliligo kasama ang mga kaibigan sa ilog ng Solana, Cagayan, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Solana PNP ang nasawing biktima na si Jay-Ar Pancefane, 18, at residente ng Barangay Natappian West, Solana, Cagayan.

Napag-alaman na dakong alas 2:00 ng hapon kamakalawa nang magtungo sa Cagayan River sa nasabing lugar ang biktima kasama ang mga kaibigan na nakilalang sina Jay-ar Felix, Christopher Castillo at Emidio Felix para maligo umano.

Habang naliligo ay napansin na lamang umano ng mga kaibigan ng biktima ang biglaang pagkawala nito sa tubig kung kaya’t agad na nagpasaklolo sa mga kamag-anak at iba pang mga residente kabilang na ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.

Agad naman nareko-ber ang biktima subalit idineklra itong dead-on-arrival sa pagamutan.

Napag-alaman ng pulisya sa ina ng biktima na unang nag-inuman ang biktima at mga kaibigan bago nagtungo sa nasabing ilog para maligo.

vuukle comment

DROWNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with