Tserman arestado sa droga
MANILA, Philippines — Arestado ang kasalukuyang barangay chairman na nakatalaga bilang High Value Target ng pulisya sa koordinasyon sa PDEA Region-3 matapos na salakayin ang kanyang bahay sa Brgy. Lourdes, Tarlac City,Tarlac kamakalawa.
Kasalukuyan nang pansamantalang nakadetine sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Barangay Chairman Edison Diaz, 41, at residente ng naturang lugar.
Sa ulat na isinumite ni P/SSupt. Ritchie Medardo Posadas kay Region-3 Director P/CSupt. Amador Corpus sa Kampo Olivas sa Pampanga sina-lakay ng mga kagawad ng Provincial Intelligence Branch at Provincial Drug Enforcement Unit ang ang bahay ng suspek na armado ng ipinalabas na Search Warrant ng Regional Trial Court Br. 64 sa Tarlac City.
Narekober sa loob ng bahay ang isang kahon na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang pakete ng marijuana at dalawang sachet ng shabu.
- Latest