^

Police Metro

Dalagita pisak sa payloader

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masaklap ang sinapit na kamatayan ng isang 15-anyos na dalagita ma­tapos siyang magulungan ng isang payloader truck naganap sa isang matrapik na bahagi ng highway sa Brgy. Lanao, Bangui, Ilocos Norte noong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Shane Angela Malabi ng Barangay Caunayan, Pagudpud.

Lumalabas sa imbestigasyon na natengga sa trapik habang angkas ang biktima sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kuya na si Marvin Malabi, 17-anyos nang bigla silang atrasan ng payloader truck na hawak ni Robert Lorenzo, 45.

Ayon sa report mabilis na nakatalon si Marvin at tanging ang biktima ang sinawing palad na magulungan ng naturang truck kasama ang motorsiklo.  Sinikap isugod ng mga sumaklolo ang biktima sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City kung saan ito idineklarang patay.

Isinailalim naman sa kustodiya ng pulisya ang drayber ng Payloader matapos ang insidente.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with