^

Police Metro

1 tepok, 17 huli sa buy-bust

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang pinaghihinalaang notoryus na tulak ng droga matapos na manlaban sa mga ope­ratiba ng pulisya habang labingpito pa ang nasakote kamakalawa ng gabi at nitong Sabado ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel ang nasawing suspek na si Leo Gunayan alyas “Boy Muslim”, 25-anyos, isang notoryus na drug peddler sa Brgy. Payatas at iba pang kalapit lugar sa lungsod.

Bandang alas-4:00 ng madaling araw, ayon kay Esquivel nang makipag-deal ang poseur buyer ng pulisya kay Gunayan na bibili ng  P2,000 halaga ng shabu.

Gayunman, habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog ang suspek sa presensya ng mga pulis na nakapalibot sa lugar kaya’t agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba na nauwi sa shootout na kumitil sa buhay nito.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang kalibre .38 rebolber na may lamang dalawang bala, limang sachet ng shabu, isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at buy-bust money.

Samantala sa serye naman ng anti-drug operations ng anti-drug operatives ng Quezon City Police, labingpito pang drug personalities ang nasakote.

Kabilang sa mga nasakote, ayon sa opisyal ay ang suspek na si Hommer Navarra, 37-anyos, top 5 na tulak sa drug watchlist; Philip Francisco, George Nobleza, at Rafaelito Tan; pawang ng Brgy. Kaligayahan ng lungsod.

Nasamsam mula sa mga ito ang apat na sachet ng shabu, drug paraphernalia at buy bust money.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with