^

Police Metro

Misis inutas ng selosong mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang kamatayang sinapit ng isang 47-anyos na ginang makaraan siyang brutal na pagsasaksakin, martilyuhin sa ulo at pasakan pa ng tubo sa ari ng selosong live-in partner sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Brgy. Sta Ana, Taytay, Rizal nitong Biyernes ng hapon.

Ang bangkay ng biktimang si Julie Dingli, walang hanapbuhay, tubong Asingan, Pangasi­nan ay dinatnan ng mga rumes­pondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng pulisya nang tigmak sa sariling dugo at nakapasak pa ang tubo sa kanyang ari.

Arestado naman ang sadista nitong live-in partner na kinilalang si Jesus Gadil, nasa hustong gulang, tricycle driver, residente ng Lupang Mitra, Brgy. Sta Ana, ng naturang lalawigan.

Sa ulat na tinanggap ni Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, Director ng CALABARZON Police dakong ala-1:00 ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng ginang at ng live-in partner nito na nauwi sa pambubugbog ng suspek sa biktima.

Nagtatakbo naman sa barangay hall ang mga anak ng mag-live-in partner kung saan nagresponde ang mga tanod pero agad ding umalis dahilan na away mag-asawa naman pala umano ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon sa gitna ng pagtatalo ng mag-asawa ay pinagsasaksak ng suspek ang ginang, minartilyo sa ulo at hindi pa nakuntento ay pinasakan pa ng tubong bakal ang ari nito.

Nabatid na matinding selos ang nagtulak sa mister na gawin ang karumal-dumal na krimen.

Kasalukukuyan na ngayong nakapiit sa detention cell ng pulisya ang nasabing mister na nahaharap sa kasong parricide.

 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with