Farm school, itatayo ni Vice Mayor Joy Belmonte
Angie dela Cruz (Pang-masa) - May 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang farm school ang itatayo ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa lungsod para sa mga senior high school students na gustong maging agriculturists.

Ayon kay Belmonte, makikipagtulungan siya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagtatayo ng Quezon City Farm School para sa mga mag-aaral na mula sa mahihirap na pamilya.

“We will have our farm school accredited by TESDA. This is for senior high school students who want to make a career on agriculture and become urban agriculturists or farmers,” pahayag ni Belmonte.

Sa ngayon, mayroong programang “Joy of Urban Farming” si Belmonte na nagsimula pa noong 2010 upang ituro sa mga taga-QC ang kahalagahan ng pagtatanim at turuan ang mga itong magtanim ng sarili nilang mapagkukunan ng pagkain para sa pamilya.

Sa pamamagitan ng farm school, sinabi ni Belmonte na mas matuturuan ng lokal na pamahalaan ang mga residente ng iba’t ibang kaalaman sa urban farming at ito ay bukas hindi lang sa mga kabataan kundi sa lahat ng residente na nagnanais matuto ng pagtatanim.

TESDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with