^

Police Metro

Dating PDEA agent, 4 pusher napatay sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa
Dating PDEA agent, 4 pusher napatay sa shootout
Ayon kay Police Regional Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, na isa sa tatlong mga napatay na suspek ay si Reynaldo Dante, dating PDEA agent sa lalawigan ng Laguna na nag-AWOL (Absence Without Official Leave) matapos na masangkot sa illegal na aktibidades.
File

MANILA, Philippines — Isang dating ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at apat na iba pa ang napatay ng mga operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na shootout sa lungsod ng San Pablo at Calamba; Laguna kahapon.

Ayon kay Police Regional  Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, na isa sa tatlong mga napatay na suspek ay si Reynaldo Dante, dating PDEA agent sa lalawigan ng Laguna na nag-AWOL (Absence Without Official Leave) matapos na masangkot sa illegal na aktibidades. 

Sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga nang magsagawa ng buy bust ope­ration ang mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Sto. Angel, San Pablo City na kung saan ay pumalag sina Dante kasamahan nitong drug pusher na si Wilbert Sardido at isang hindi pa nakilalang tulak na nauwi sa shootout na ikinasawi ng mga ito.

Narekober sa encounter site ang tatlong cal. 45 pistol, pitong sachet ng shabu at P2,000 na hinihinalang pinagbentahan ng mga ito sa droga.

Sa isa pang insidente ay nauwi sa palitan ng putok ang buy bust ope­ration sa Brgy. Pansol, Calamba City dakong alas-2:30 ng mada­ling araw na kung saan ay napatay ang suspek na sina Christopher Gonce, alyas Boy at isang hindi pa nakilalang drug pusher.

Narekober sa lugar ang isang 38 caliber revolver at isang M203 grenade launcher, 13 sachets ng shabu, 11 cartridge ng naturang mga armas at mga bala.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with