^

Police Metro

Tatakbong kagawad, 7 pa tiklo sa pagbatak ng shabu

Joy Cantos, Boy Cruz - Pang-masa
Tatakbong kagawad, 7 pa tiklo sa pagbatak ng shabu
Kinilala ang mga suspek na sina Janet Oñate, 41, dating OFW at kandidato bilang kagawad ng Brgy. Tugatog; kapatid nitong si Juper Oñate 36; Noemi Uy, 48; Arsenio Bacani 42; Aurora Roy, 33; Jonel Danao, 33 ng Brgy. Viente Reales; Oscar Malvar, 64 ng Gen. T. De Leon, kapwa sa Valenzuela City at Joseph Casambros 30, ng Brgy. Mataas na Parang sa bayan ng San Ildefonso.
File

MANILA, Philippines — Walong katao ang naaresto kabilang ang isang babaeng kandidato sa pagka-kagawad ngayong darating na barangay election nang  maaktuhan na bumabatak ng shabu sa loob ng isang bahay sa Brgy. Bañga sa Meycauayan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Janet Oñate, 41, dating OFW at kandidato bilang kagawad ng Brgy. Tugatog; kapatid nitong si Juper Oñate 36; Noemi Uy, 48; Arsenio Bacani 42; Aurora Roy, 33; Jonel Danao, 33 ng Brgy. Viente Reales; Oscar Malvar, 64 ng Gen. T. De Leon, kapwa sa Valenzuela City at Joseph Casambros 30, ng Brgy. Mataas na Parang sa bayan ng San Ildefonso.

Ayon ulat, dakong alas-3:00 ng madaling nang salakayin ng pulisya ang nasabing bahay dahil sa sumbong na may nagaganap na shabu pot session na kung saan ay naaktuhan ang mga suspek na bumabatak ng shabu.

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu na may hala­gang P1,000 piso, at iba’t ibang mga drug paraphenalias.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with