^

Police Metro

Maglolo pinatay, sinunog

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pang-masa
Maglolo pinatay, sinunog
Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang krimen sa Hacienda Pula, Silay City ng lalawigang ito ng isang lalaki na nagpapastol.
File

MANILA, Philippines — Pinatay muna sa taga ang isang maglolo bago sila sunugin sa loob ng kanilang bahay sa Silay City, Negros Occidental, kamakalawa.

Kinilala ang maglolo na sina Antonio Padua, 63,at apo nitong si Re-Ann Padua, 8, na halos hindi na makilala sanhi ng pagkasunog ng kanilang mga katawan.

Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang krimen sa Hacienda Pula, Silay City ng lalawigang ito ng isang lalaki na nagpapastol.

Agad niyang inireport sa barangay na siya namang nag-ulat sa pulisya.

Nabatid na ginamit pa ng mga suspek ang mga damit ng maglolo para sunugin ang kanilang mga katawan sa loob mismo ng kanilang bahay.

Ayon naman kay Rogelia Padua, 44, noong Lunes ng gabi habang siya ay nasa trabaho sa Talisya City ay nakausap pa niya ang maglolo at binati ang apo sa kanyang kaarawan at habang nag-uusap sila ay narinig niya ang pagsigaw ng mga ito at naputol ang kanilang pag-uusap.

Idinagdag pa ni Rogelia na nagpapasalamat ang kanyang apo sa ipinadala niyang pera para iluto siya ng adobong manok sa kanyang kaarawan ng araw na iyon.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with