^

Police Metro

Brgy. officials na sangkot sa droga, ibulgar na

Mer Layson - Pang-masa
Brgy. officials na sangkot sa droga, ibulgar na
Ito ay matapos bigyan ng go signal ng Malacañang si PDEA Director General Aaron Aquino para isiwalat sa publiko ang listahan ng mga ‘narco’ official ng barangay, kabilang na ang mga chairman, kagawad at mga tanod.
File

Utos ng Malacañang sa DILG...

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ibul­gar sa publiko ang pa­ngalan ng mga barangay official na sangkot sa bawal na gamot.

Ito ay matapos bigyan ng go signal ng Malacañang si PDEA Director General Aaron Aquino para isiwalat sa publiko ang listahan ng mga ‘narco’ official ng barangay, kabilang na ang mga chairman, kagawad at mga tanod.

Nabatid na nasa 211 ang pangalan ng mga opisyal ng barangay na nasa kanilang ‘narco list’ na direktang sangkot sa pagtutulak ng droga sa bansa.

Anya, isinasapinal na lamang ang listahan at sa loob ng linggong ay ila­lantad na ito sa publiko.

Inihayag pa ni Aquino na na-validate na ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang narcolist batay na rin sa mga ebidensya na nakuha laban sa kanila.

Una nang nagbabala ang PDEA at DILG na sasampahan ng kaso ang mga barangay officials na sangkot sa droga.

Layunin ng PDEA na hindi na muling maihalal pa ng mga botante ang mga nasa  ‘narcolist’ na barangay officials.

Ang mga barangay official sana ang siyang ‘front runner’ ng pamahalaan na dapat unang susugpo sa paglaganap ng droga sa bansa pero ang iba ay sila pa ang pasimuno nang pagtutulak at nagbibigay ng proteksiyon sa mga drug pusher sa kani-kanilang nasasakupan.

vuukle comment

AARON AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with