^

Police Metro

B-day tragedy: 4 patay

Joy Cantos - Pang-masa
B-day tragedy: 4 patay

Multicab vs van...

MANILA, Philippines — Napalitan ng trahedya ang masa­yang birthday party na dinaluhan ng apat katao kabilang ang tatlong mag-ina matapos na sila ay masawi nang sumalpok ang sinasak­yan nilang multicab sa isang van kamakalawa ng hapon sa Brgy. Kanyuko, Dumanjug, Cebu.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mga biktimang sina Jennifer Lopez, 26, anak nitong sina Harvey Lopez; Oliver; at Mary Ann Quirante, 27.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Raymond Alpuerto, 20; Jessa Mae Lopez, 1; Soraida Quirante, 54; Quirnn Alpuerto, 3; Quinne Alpuerto,1; Lyn Quirante, 25; James Lopez, 9 at ang driver ng multicab na si Saulo Quirante, 59.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ay kasalukuyang lulan ng multicab ang mga biktima galing sa pagdalo sa isang kaarawan at papauwi na sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente sa highway.

Ang multicab ay nasalpok ng wing van (MFK 633) na minamaneho ni Julito Cuyos.

Sa lakas nang pagka­kabangga ay nagpaekis-ekis sa highway ang takbo na ikinasugat at ikinasawi ng mga biktima.

Agad namang sumaklolo ang mga rescuers na isinugod ang mga biktima sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa kasong ito.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with