Foreign divorce balido sa Pinas-SC
MANILA, Philippines — Pinapayagan ng batas ng Pilipinas na maaaring muling magpakasal ang mga Filipino na diborsyo na ang kasal sa ibang bansa.
Ito ay batay sa botong 10-3 ng Supreme Court kahapon na ang diborsyo ng isang Filipino sa ibang bansa ay balido sa Pilipinas at maaari siyang magpakasal uli.
“Where a marriage between a Filipino citizen and a foreigner is validly celebrated and a divorce is thereafter validly obtained abroad by the alien spouse capacitating him or her to remarry, the Filipino spouse shall likewise have the capacity to remarry under Philippine law,” nakasaad sa desisyon.
Ayon kay Supreme Court spokesperson Theodore Te, ang mga mahistrado na dissenting opinion ay sina Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe, at Alfredo Benjamin Caguioa habang si Associate Justice Francis Jardeleza ay tumangging magbigay ng boto samantalang nakabakasyon si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Tanging ang Pilipinas at ang Vatican sa buong mundo ang hindi pabor sa divorce bagama’t legal ang annulment na tumatagal naman ng ilang taon.
- Latest