^

Police Metro

Tatakbong tserman, 3 kaanak minasaker sa Basilan

Joy Cantos - Pang-masa
Tatakbong tserman, 3 kaanak minasaker sa Basilan
Sa ulat ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police Office, bago nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa nasabing lugar ay bigla na lamang sumulpot ang mga armadong salarin na nagpanggap na mga sundalo at pinalabas sa kanilang mga tahanan ang apat na biktima.
File

MANILA, Philippines — Apat katao ang pinahilera bago pinagbabaril ng mga kalalakihan na nagpanggap na mga sundalo naganap kamakalawa sa Brgy. Kamamburingan, Ungkaya Pukan, Basilan.

Ang mga nasawi  noon din ay kinilalang sina Usang Asani, 45, dating barangay chairman; at muling kakandidato sa nasabing posisyon;Andatun Asani, 47; Jannalun Matindo, 60 at Nadzi Matindo,19.

Sa ulat ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police Office, bago nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa nasabing lugar ay bigla na lamang sumulpot ang mga armadong salarin na nagpanggap na mga sundalo at pinalabas sa kanilang mga tahanan ang apat na biktima.

Pinahilera ang mga ito ng mga suspek saka niratrat ala ‘firing squad’ na siyang dagliang ikinasawi ng mga ito.

Malaki ang hinala ng mga otoridad na may kinalaman sa barangay election ang pamamaslang sa mga biktima dahil sa muling pagkandidato ni Asani sa pagka-barangay chairman.

Samantala, kusang loob namang sumuko ang incumbent barangay chairman na si Hernie Asao para linisin ang pangalan sa naganap na masaker at kinumpiska ng mga otoridad ang kanyang M-16 rifle at ang M203 grenade launcher nito.

Ayon kay Brigadier General Juvymax Uy, walang kaugnayan sa terorismo ang pag-atake at nakatakdang sampahan ng election gunban si Asao at iniimbestigahan kung may kinalaman ito sa pagpatay sa apat. -Rhoderick Beñez

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with