^

Police Metro

Anak ng ex-qc councilor nabaril ang sarili

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang 20-anyos na anak ni dating Quezon City Councilor Bong Suntay matapos umanong aksidenteng makalabit ang gatilyo ang kanyang sariling baril na nililinis nito sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing si Lorenzo Gabriel Suntay, binata, estudyante ng Dela Salle University na kumukuha ng Business Administration na naka­tira sa No.23-A Mariposa St., Brgy. Bagong Lipunan, Cubao, Quezon City.

Sa salaysay ni  Emely Pepito, 42, stay-in housemaid ng pamilyang Suntay, dakong alas-3:00 ng hapon nang makita niyang wala nang buhay ang biktima sa loob ng banyo.

Ayon pa kay Emely, huli niyang nakita buhay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto na naglilinis umano ng kanyang 20-gauge Bird’s Shot Gun.

Lumabas siya ng bahay para bumili ng makakain sa tindahan pero pagbalik nito ay wala na ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto kaya hinanap nito para kumain hanggang makita sa loob ng banyo at wala ng buhay, katabi ang Emporter Perazzi Shot Gun na may serial No. 64792.

Agad na inireport ng katulong sa pulisya ang insidente na mabilis namang nirespondehan nina P/Sr. Insp. Joseph Infante at PO3 Marlon Dela Vega ng Scene of the Crime Opeation (SOCO) at nakita ang tama ng shotgun sa ulo nito at isang slug at bala. 

Hindi na nagbigay pa ang pahayag ang pamil­yang Suntay sa naganap na insidente.

vuukle comment

SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with