^

Police Metro

UP stude na umanib sa NPA, ni-rape ng kadre

Joy Cantos - Pang-masa
UP stude na umanib sa NPA, ni-rape ng kadre
Itinago naman ni Captain Ruel Llanes, Civil Military Operations Oficer ng Army’s 303rd Infantry Brigade (IB) ang nasabing estudyante sa pangalang “Mara” para sa kapakanan nito.
AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines — Ibinulgar kahapon ng militar na sumapi na sa mga teroristang New People’s Army (NPA) at naging biktima pa ng sexual harassments ang isang estudyante ng University of the Philippines (UP) Cebu na may ilan taon nang napaulat na nawawala matapos na magtungo sa Negros Occidental.

Itinago naman ni Captain Ruel Llanes, Civil Military Operations Oficer ng Army’s 303rd Infantry Brigade (IB) ang nasabing estudyante sa pangalang “Mara” para sa kapakanan nito.

Si “Mara”, 26-anyos, residente ng Minglanilla, Cebu ay nagtapos sa UP Visayas-Cebu kung saan isa itong honor student at isa ring “academic achiever” noong high school.  Isa siyang undergraduate sa Bachelor of Science in Mathematics sa UP Visayas-Cebu bago sumapi sa komunistang grupo ng mga teroristang NPA.

Inihayag ni Llanes na nadiskubre ang pagsapi ni “Mara” sa grupo ng NPA terrorist kasunod ng pagkakarekober ng tropa ng militar sa mga subersibong dokumento ng teroristang grupo matapos ang engkuwentro sa tropa ng Army’s 79th Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Guadalupe, San Carlos City, Negros Occidental kamakailan.

Ayon sa opisyal ang nasabing talaarawan (diary) ay sulat kamay at may pribadong paglalahad ni Sumulong sa kaniyang mapait na karanasan sa NPA terrorist na mamundok noong Nobyembre 2011 kung saan nagsanay ito sa komunistang kilusan sa kagubatan ng Himamaylan, Negros Occidental.

Ibinulgar din ni “Mara” sa kaniyang dairy na ginahasa siya ng isa sa mga kadre ng NPA na tinukoy lamang sa alyas na “Lando” at minolestiya rin ng isang alyas “Ka Mori” matapos na paghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan sa panahon ng kaniyang pananatili sa kilusang komunista.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Brig. Gen. Eliezer Losañes, Commander ng Army’s 303rd Brigade na ang paglalahad ni “Mara” sa kaniyang diary sa masaklap nitong sinapit ay patunay lamang na dumaranas ng sexual harassment ang mga babaeng recruits ng NPA terrorists.

Nanawagan din ang opisyal sa mga estudyante na huwag pabola at palinlang sa matatamis na pangako ng mga rebeldeng NPA na nagre-recruit sa hanay ng mga kabataan dahilan masisira lamang ang kanilang kinabukasan.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with