Bangkay ibinalot sa garbage bag itinapon sa C-5
Danilo Garcia (Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki na ibinalot sa garbage bag ang natagpuan sa gilid ng service road ng C-5, Taguig City kahapon ng madaling araw. 

Hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng lalaki na inilarawan na nasa pagitan ng edad na 25-30, nakasuot ng pulang t-shirt at short pants.

Sa ulat, alas-12:30 ng madaling araw ay nagroronda ang mga barangay tanod sa lugar nang mapansin ang malaking itim na garbage bag  na may umaagos na dugo sa service road ng C-5 Heritage sa Brgy.Pinagsama.

Nang kanilang suriin ay lumantad ang bangkay ng isang lalaki na nakabalot ng plastic ang ulo at tinakpan ng packaging tape ang bibig nito. 

Nakita rin ang tama ng saksak sa dibdib at tagiliran habang isang ice pick ang natagpuan na nakasukbit sa baywang ng biktima.

Hinihinala na sa ibang lugar pinatay ang biktima at doon lang itinapon upang mailigaw ang imbestigasyon.

Sinusuri ng pulisya ang mga nakakabit na ‘close circuit television camera (CCTV)’ sa pag-asang makilala ang mga suspek.

SALVAGE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with