Pinangunahan nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) deputy director for operation Atty. Ruel Lasala at Director for operation Narcotics Control Bureau of Ministry of Public Security China Ms. Shen Yue ang pagsusuri sa mga kemikal at kagamitan sa ni-raid na shabu laboratory sa Brgy. Santolan, Malabon City.
Boy Santos
Drug ops: 7 tiklo sa P40-M shabu
Danilo Garcia (Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang 7 miyembro ng drug syndicate sa isang operasyon sa lalawigan ng Bulacan at nasamsam ang nasa walong kilong shabu na nagkakahalaga ng P40 milyon kamakalawa sa lalawigan ng Bulacan.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Lemar Garzon, 25; Richard Romoquilo, alyas ‘Tin­ting’, 22; Jayson Estrada, alyas ‘Watog’, 22; Aries Taglada, 27; Renz Gerona, 23; Edward Cruz, alyas ‘Dada’, 32; at Eduardo Tan, alyas ‘Chengwa’, 32.

Batay sa ulat, ­unang nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Special Operation Unit (DSOU) sa Navotas City na nagresulta sa pagkakaaresto ni Tan.

Isinailalim ito sa interogasyon at inginuso si Garzon na umano’y lider ng kanilang grupo at ibinulgar ang kanilang kuta sa Bulacan.

Nagkasa ng operasyon ang DDEU at DSOU matapos na makipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sinalakay ang kuta ng mga suspek dakong alas-10:00 ng Linggo ng umaga sa may Block 13, Phase 4, Camella Homes, Brgy. Pagala, Baliuag, Bulacan at hindi na nakapalag ang mga suspek.

Bukod sa walong kilo ng shabu nakumpiska rin ang dalawang kilo ng marijuana, isang M16 armalite rifle, isang Intratec sub-machine gun, dalawang kalibre .45 na baril, isang .9mm na baril, mga bala, dalawang Ford Expedition SUVs na may plakang BEE 104 at SHK 237, at mga panimbang para sa pagre-repack.

Nabatid na ang mga naaresto ay miyembro ng Garzon drug group na isa sa pinakamalaking supplier ng iligal na droga sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela City.

Ipinasasailalim na rin sa ‘ballistic tests’ ang mga nakumpiskang mga baril upang mabatid kung nagamit ang mga ito sa mga insidente ng pagpatay.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with