40 inmates namatay sa siksikang selda
Danilo Garcia, Joy Cantos (Pang-masa) - April 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 40 ang bilang ng mga namamatay na inmates dala ng siksikan at mainit na kundisyon sa mga istas­yon ng pulisya sa kalak­hang Maynila.

Ito ang sinabi ni incoming Philippine National Police chief Oscar Albayalde na kung talagang bibila­ngin ang mga namatay na mula pa noong July 2016 lang ay nasa 40 lahat sa detention cells ng mga kapulisan.

Ayon kay Albayalde, sa Pasay City naitala ang pinakamaraming bilang ng mga nasawi dahil sa sobrang siksikan sa mga detention cell.

“Minsan good for 30 lang po (ang detention cell), pero ang nakakulong kulang-kulang 100,” sabi niya.

Nito lamang Miyer­kules, isang inmate ang namatay matapos na ata­kihin sa puso sa loob ng detention cell ng Station Investigation and Detection Management Branch ng Pasay City Police.

Ayon sa ulat, hinimatay umano si Domingo Delos Santos at 7 iba pang inmate dahil na rin sa mainit at masikip na selda.

Naisugod sila sa ospital pero dead-on-arrival na si Delos Santos.

Nakikita naman ni Albayalde na ang mabilis na pagkuha ng commitment order mula sa korte ang isang paraan para ma-decongest ang mga selda sa mga istasyon ng pulisya.

Bukod dito, tumu­tugon din ang local government units para makatulong sa pagresolba ng problema.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with