Mag-ina na nagrerepak ng droga, tiklo
Mer Layson (Pang-masa) - April 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang mag-ina ang ina­resto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang makuhanan ng video na aktong nagrerepak ng droga sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang mag-ina ay kinila­lang sina Jenette Atenia, 57, at anak nitong si Alpha, 27 na kapwa residente ng Tulay Ilalim Barangay Balong Bato, sa lungsod.

Batay sa ulat, bago isinagawa ang buy bust operation dakong alas-9:45 ng gabi laban sa mag-ina ay nakuhanan ng video ang ginang na nagre-repack ng shabu sa loob ng kanilang bahay.

Sinabing ginagamit ng ginang ang kanyang anak para magdeliber ng droga sa kanilang mga parukyano sa nasabing barangay.

Inamin naman ng ginang na matagal na siyang gumagamit nang ipinagbabawal na gamot pero hindi umano siya nagbebenta ngunit noong ipakita sa kanya ang kuhang video ay sinabi nitong nirerepak lamang niya ang ginagamit niya kada araw.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with