Batay sa ulat na mula sa tanggapan ni P/Supt. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 6, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob mismo ng tindahan ng biktima.
File
Sari-sari store owner, binoga
Mer Layson (Pang-masa) - April 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang 45-anyos na ginang na may-ari ng isang sari-sari store matapos siyang barilin nang malapitan sa ulo ng isang nagpanggap na kustomer sa Brgy. Payatas, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa FEU-NMRF Medical Center ang biktimang si Jocelyn Palacpac, ng Group 7, Sto. Niño St.,  ng nasabing lugar, bunsod ng tama ng bala ng baril sa kanyang ulo, habang mabilis namang nakatakas ang ‘di nakikilalang salarin.

Batay sa ulat na mula sa tanggapan ni P/Supt. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 6, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob mismo ng tindahan ng biktima.

Kasalukuyan umanong nagbabantay ng kanyang sari-sari store si Palacpac nang dumating ang salarin at nagkunwaring bibili ng beer.

Nang tumalikod ang biktima upang kumuha ng beer ay bigla na lang umanong bumunot ng baril ang suspek at kaagad siyang pinutukan sa ulo, bago mabilis na tumakas patungo sa Payatas Road.

Isinugod naman ng mga kaanak sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara na itong patay ng mga doktor.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaslang.

SARI-SARI STORE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with