^

Police Metro

3 utas sa sunog sa Taguig

Danilo Garcia - Pang-masa
3 utas sa sunog sa Taguig
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP-Taguig City), alas-3:00 ng hapon nang unang sumiklab ang apoy buhat sa hindi pa matukoy na bahay sa TUP compound sa may Brgy. West Bicutan.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong residente makaraang sumiklab ang isang malaking sunog sa isang residential area na nasa loob ng Technological University of the Philippines (TUP) compound sa Taguig City nitong Linggo ng hapon.

Inisyal na nakilala ang mga nasawi na sina Ramona Palima, 62-anyos, Lalen Lasagas, at Marlyn Talon, kapwa nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP-Taguig City), alas-3:00 ng hapon nang unang sumiklab ang apoy buhat sa hindi pa matukoy na bahay sa TUP compound sa may Brgy. West Bicutan.

Agad na umakyat sa ikalimang alarma ang sunog dakong alas-4:30 ng hapon dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa iba pang kabahayan na gawa sa mga light materials.

Sa inisyal na imbestigasyon, paralisado umano ang lolang si Palima na hindi na nagawang matulungang ilabas ng mga kaanak buhat sa nasusunog nilang bahay.

Nakita naman sa banyo ng isa pang bahay ang katawan ng ikalawang biktimang si Lasagas habang sa ospital naman nasawi si Talon matapos atakihin sa puso.

Naapula lamang ang sunog dakong alas-11:00 ng gabi o matapos ang walong oras na pakikipaglaban sa apoy ng mga bumbero. Umabot sa 200 bahay ang tuluyang natupok ng apoy.

Lumikas naman sa kalapit na covered court at paaralan ang nasa 400 pamilya na naapektuhan ng sunog.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with