^

Police Metro

44 bus ng Dimple Star pinigil sa Mindoro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinigil ng pulisya ang may 44 bus ng Dimple Star sa Occidental Mindoro at Iloilo City habang bumibiyahe sa pier sa bayan ng Roxas, Oriental Min­doro kamakalawa ng hapon.

Ito’y sa kabila ng kau­tu­san ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin na ang prangkisa ng mahigit 100 bus ng Dimple Star at arestuhin ang operator  o may-ari nito bunga ng malagim na trahedya ng aksidenteng kinasangkutan ng isa nitong behikulo.

Magugunita na noong Marso 20 ng gabi, 19 katao kabilang ang konduktor at driver ang nasawi habang 21 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng su­malpok sa barandilya ng Patrick Bridge at bumulusok sa  bangin ang isang bus (TYU 708) ng Dimple Star sa Brgy Batong Buhay, Sablayan, Occidental Mindoro.

Ayon kay MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police Spokesperson Supt. Imelda Tolentino, agad na ipinag-utos ni Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, regional director ng kanilang himpilan sa Provincial Directors ng Oriental at Occidental Mindoro na harangin at huwag pahintulutang bumiyahe ang mga bus ng Dimple Star.

Sinabi ni Tolentino na nasa 44 bus ng Dimple Star ang naharang ng pulisya  bandang alas-4 ng hapon sa Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with