^

Police Metro

Libreng sakay sa LRT-1 sa babaeng PWDs

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magbibigay ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ng libreng sakay para sa mga kababaihang may kapansanan o person with disability (PWD) bukas, Lunes Santo (Marso 26). 

Ito’y bilang bahagi ng pakikiisa ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang operator ng LRT-1, sa pagdiriwang ng Women Disability Month.

Ayon sa LRMC,  ang libreng sakay ay ipatutupad nila sa lahat ng 20-istasyon ng LRT-1, na may rutang mula Baclaran sa Parañaque City hanggang sa Roosevelt, Quezon City.

Upang maka-avail ng libreng sakay ay kinakailangan lamang na magpakita ang mga kababaihan ng kanilang PWD identification card (ID) o kahit anong balidong government ID sa teller na naka-duty at kaagad na silang ituturo kung saan ang nakatalagang service gate para sa kanila.

“This special treat to female PWDs is courtesy of LRMC, in cooperation with the National Council on Disability Affairs (NCDA), which is celebrating its 14th Women with Disabilities Day with the theme #ProgressToSuccess: Babaeng Maykapansanan sa Pagbabago Manguna at Manindigan Ka campaign this year,” ayon sa LRMC.

Kaugnay nito, ipinaalala  ng LRT 1 na wala silang biyahe mula Huwebes Santo (Marso 29) hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay (Abril 1).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with