^

Police Metro

Top 10 most wanted sa NPD huli

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto na ang itinuturing na Top 10 “most wanted person” ng Northern Police District (NPD) makaraang bumalik sa kanilang tahanan matapos ang ilang buwang pagtatago, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ni NPD Director Amando Clifton Empiso ang nadakip na si Emmar Pesimo, alyas “Mar”, 36, binata, towing crew at naninirahan sa Langaray Street, Brgy. 14, ng naturang lungsod.

Nahaharap ang suspek sa kasong attempted rape sa sala ni Judge Ma. Antonia Largoza-Cantero ng Malabon City Regional Trial Court Branch 170.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang NPD Special Operations Unit na naispatan si Pesimo sa kanyang bahay kaya agad na nagkasa ng operasyon ang mga pulis dakong alas-12:15 ng hapon na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Nakadetine sa NPD SOU ang suspek habang ibinalik na sa korte ang warrant of arrest at naghihintay ng utos ng huwes kung saan ididitine si Pesimo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with