^

Police Metro

Ina patay, anak at 2 apo kritikal

Cristina Timbang - Pang-masa
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Nenita Estrella, may asawa, habang kritikal ang anak niyang si Cheska Estrella, 19, anyos, at mga apo na sina Bian­ca Nicole Geroche, 6, at Alexander Geroche, 3, pawang ng Sitio Banaba, San Miguel II, Silang, Cavite.
File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 59-anyos na ina habang nasa malubhang kalagayan ang anak nitong babae at dalawang apo at sugatan din ang isa pa makaraang salpukin ng isang kotse ang kanilang sinasakyang tricycle habang dalawa pang sasakyan ang nadamay habang bumabagtas ang mga ito sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Silang, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Nenita Estrella, may asawa, habang kritikal ang anak niyang si Cheska Estrella, 19, anyos, at mga apo na sina Bian­ca Nicole Geroche, 6, at Alexander Geroche, 3, pawang ng Sitio Banaba, San Miguel II, Silang, Cavite.  

Sa report, alas-9:30 ng gabi habang sakay ang mga biktima na isang tricycle (QO 3395) na minamaneho ni Eric Agustin, na nasugatan din sa insidente), 21-anyos, binata, driver at bumabagtas sa nasabing lugar nang big­la na lamang araruhin ng rumaragasang To­yota Camry  (XLX 376) na minaneho ng suspek ni Mauricio Joson, 45 anyos, may-asawa, ng 298 Taywanak Ibaba, Alfonso, Cavite. 

Nabatid na nag-menor ang tricycle ng mga biktima habang papaliko sa may kanto nang dire-diretsong araruhin ng paparating na kotse. Sa tindi ng pagkakasalpok, halos lumipad ang tricycle at tumilapon naman ang mga biktima.

Natumbok naman ng tricycle ang isa pang sasakyan na Ford Everest na may conduction C0 L841 na minamaneho ni Madelane Peñano, 30, dalaga, ng 76 Doña Soledad, Don Bosco Section II, Parañaque City.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with