^

Police Metro

Anti-drugs ops tuloy… Pulis walang Lenten break

Pang-masa
Anti-drugs ops tuloy� Pulis walang Lenten break
Inilunsad kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Ligtas Sumvac (Summer Vacation) 2018 na sinimulan sa pag-iinspeksyon nina PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde sa Araneta-Cubao bus terminal upang matiyak kung natutupad ang security protocols sa exodus ng mga tao na magtutungo sa mga probinsya.
File

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang seguridad ng publiko sa pagdiriwang ng Semana Santa sa susunod na linggo, wala munang bakasyon ang mga pulis na tututok rin sa mahigpit na police visibility at pagpapatrul­ya sa buong panahon ng ‘summer season’.

Inilunsad kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Ligtas Sumvac (Summer Vacation) 2018 na sinimulan sa pag-iinspeksyon nina PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde sa Araneta-Cubao bus terminal upang matiyak kung natutupad ang security protocols sa exodus ng mga tao na magtutungo sa mga probinsya.

Kaugnay nito, inihiyag ni NCRPO chief, Director Oscar Albayalde na magpapatuloy pa rin sa pagsasagawa ng ‘anti-drug operations’ ang mga pulis kahit sa mga araw ng Semana Santa bilang bahagi pa rin ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ayon kay Albayalde, ito ay dahil sa tuluy-tuloy pa rin naman ang galaw ng mga sindikato ng iligal na droga sa pambibiktima ng mga sugapa dito. Ngunit umaasa pa rin ang heneral na magiging payapa ang pagbalik-tanaw ng mga taga-Metro Manila sa Mahal na araw.

Nasa 11,800 tauhan naman ng NCRPPO ang ikakalat sa iba’t ibang istratehikong lugar sa Kamaynilaan para magbigay ng serguridad partikular na sa mga pook na dadagsain ng publiko kabilang ang mga simbahan na pupuntahan ng mga magbibisita iglesia.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with