^

Police Metro

10 akusadong Aegis sumuko sa NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa
10 akusadong Aegis sumuko sa NBI
Boluntaryong sumuko sa NBI kahapon ang sampung akusadong miyembro ng Aegis Juris Fraternity kaugnay ng Atio Castillo hazing case.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Boluntaryong humarap kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung UST Law student na kabilang sa inisyuhan ng warrant of arrest kamakalawa ng Manila Regional Trial Court kaugnay sa Horacio “Atio” Castillo hazing case.

Sinabi ni NBI Deputy Director for Operations Vicente De Guzman na sumurender at hindi dinakip ang mga Aegis Fraternity  na sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr., Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali at Danielle Hans Matthew Rodrigo, na pawang may mga mandamiento de arresto na inisyu kamakalawa ni Judge Alfredo Ampuan ng Manila RTC Branch 40 sa criminal case R-MNL-18-01545-CR.

Ayon kay Executive Officer Danilo Mayani ng NBI Death Investigation Division, alas-11:00 kahapon ng umaga sa di binanggit na lugar sa Maynila ay sinundo ng NBI agents ang sampung Aegis Frat members na kasama ang kanilang mga magulang at legal counsel.

“May tumawag sa aming opisina, common friend namin na parent ng isa sa sampu at nagsabi na susuko na nga ang mga subject ng warrant of arrest,” ani EO Agent Mayani.

Napagpasiyahan umano ng mga estudyante at mga  magulang na sumuko na lamang sa NBI dahil natakot sila sa kanilang seguridad dahil kasunod ng paglabas ng warrant of arrest ng korte, ay may nakita umano sila na palibut-libot sa kanilang mga tahanan na hinihinalang sila ang pakay na arestuhin.

Nilinaw naman ng NBI na walang special o VIP treatment kung bakit sa kanila sumurender ang mga Aegis member kungdi nais lamang nilang makasiguro sa kaligtasan.

Inaasahang magdamag umano ang gagawing pro­seso sa pagprisinta sa mga sumuko sa korte para sa return of the warrant sa Branch 40 ng Manila RTC at pansamantala silang iba­balik sa NBI detention facility para ikulong hangga’t wala pang inilalabas na commitment order ang korte.

vuukle comment

AEGIS FRATERNITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with