^

Police Metro

4 timbog sa P60-M shabu

Pang-masa
4 timbog sa P60-M shabu
Iprinisinta ng mga opisyal ng PDEA at PNP ang mga suspek na natimbog sa P50-milyong ha­laga ng droga makaraang masabat ang mga ito sa Alabang Town Center sa Muntinlupa City na nagresulta rin sa pagkakadakip ng isang Chinese sa Makati City na umano’y supplier nila at pagkakakumpiska mula sa kanya ang karagdagang P10-milyong halaga ng shabu.
Ghio Ong

MANILA, Philippines — Sa kalaboso ang bagsak ng tatlong pinaghihinalaang mga big time drug traffickers matapos silang masakote ng mga ele­mento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa isinagawang buy bust operation sa isang mall sa Ayala Alabang, Muntinlupa City habang arestado naman sa follow-up operation ang Chinese supplier ng mga ito sa Makati City na nagresulta sa pagkakasamsam ng P 60-milyong halaga ng shabu nitong Biyernes.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act 0f 2002 ang tatlong suspek na kinilalang sina Norodian Gumadel, 28-anyos, may asawa, ng Maguinao Sr. New Lower Bicutan, Taguig City; Lady Jane Flores, 24 taong gulang, dalaga, at naninirahan sa B-25 Lot 33 Green Valley San Nicolas 3 Bacoor Cavite at si Regina Inocencia San Miguel, 40, Phase 6 No.16 Apartment B Cadena de Amor St. Pacita 11, San Pedro, Laguna.

Sa ulat ni Senior Supt. Dionisio Bartolome, hepe ng Muntinlupa City Police, dakong alas-12:00 ng tanghali nang isagawa ang operation sa Parking 5 ng Alabang Town Center sa Ayala Alabang. Ito ay makaraang makatanggap ng tip ang mga tauhan ng PDEA sa magaganap na transaksyon sa iligal na droga.

Isang tauhan ng PDEA ang nagpanggap na poseur buyer para bumili ng droga sa mga suspek sa nasabing parking area na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek.

Nasa limang pake­te ng shabu na may timbang na mahigit sa sampung kilo at nagkakahalaga ng P50-milyon ang nakumpiska sa mga suspek.

Sa follow-up operations naman sa lungsod ng Makati ay nasakote ang Chinese supplier ng mga suspek na nakumpiskahan naman ng  2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P 10 M.

Ang nasabing Chinese na ikinanta ng tatlong drug trafficker ay hirap magsalita ng Ingles at patuloy pang isinasai­lalim sa masusing tactical interrogation.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with