^

Police Metro

2 nangholdap at nanggulpi ng pulis, napatay

Joy Cantos - Pang-masa
2 nangholdap at nanggulpi ng pulis, napatay
Ang dalawang napatay na suspek ay kinila­lang sina Kenneth Tabaranggao, drug personality at drug surrenderee, 30,  ng Mandurriao, Iloilo at Vidal Allado.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang lalaki na umano ay nangholdap at nambugbog sa isang parak matapos na manlaban sa mga rumespondeng mga pulis kahapon ng madaling araw sa San Jose, Antique.

Ang dalawang napatay na suspek ay kinila­lang sina Kenneth Tabaranggao, drug personality at drug surrenderee, 30,  ng Mandurriao, Iloilo at Vidal Allado.

 Habang nadakip ang mga kasama na sina John Allado, Louis Allado; pawang ng Pavia, Iloilo at Reynald Jordan ng San Jose, Antique.

Batay sa ulat, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang holdapin at gulpihin ng dalawang suspek ang nakasibilyang si PO2 Dennis Corcolla, miyembro ng San Jose Police Station  sa bisinidad ng Royalty Tower Lounge, Brgy. 5, San Jose ng lalawigang ito.

Sa kabila ng tinamong mga pasa sa katawan ay nagawang makahingi ng tulong si PO2 Corcolla sa police station kaya’t na nagresponde ang mga pulis at hinabol ang mga suspek.

Nang makorner ay pinaputukan umano ng mga ito ang mga pulis na gumanti naman ng putok na ikinasawi ng dalawang suspek.

Habang naaresto naman ang tatlo pang kasamahang hinihinala ring mga drug personality nang makorner ng habang papatakas.

vuukle comment

KENNETH TABARANGGAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with