Pumasyal na sa Bora habang ‘di pa isinasara-Malacañang
MANILA, Philippines — Ngayong Mahal na Araw ay dapat nang magpunta at magbakasyon sa Boracay habang hindi pa ito isinasara.
Ito ang ginawang panghihikayat ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing kahapon dahil wala pa namang kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang Boracay island.
Magugunita na inirerekomenda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT) na isara ang Boracay island sa loob ng isang taon para sa rehabilitasyon nito.
Related video:
- Latest