^

Police Metro

Pakinggan muna at ‘wag baliwalain- Sen. Lacson... Napoles ‘lists’ ibulgar!

Rudy Andal - Pang-masa
Pakinggan muna at �wag baliwalain- Sen. Lacson... Napoles �lists� ibulgar!
Janet Lim-Napoles.
AP/File

MANILA, Philippines — Mas mainam na mapakinggan muna ang detalye nang pagbubulgar ni Janet Lim-Napoles sa mga nakalistang perso­nalidad na tumanggap ng pork barrel fund scam bago ito batikusin nang isailalim ito sa witness protection ng DOJ.

Ito ang iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na dapat maghinay-hinay muna ang mga maagang bumabatikos sa magiging testimonya ni Napoles sa posibleng reinvestigation sa pork barrel fund scam kaysa agad itong kontrahin.

Matatandaang kay Lacson ibinigay ng kampo ni Napoles ang lista­han ng mga dawit sa pork barrel fund scam na hindi naman umano nakasuhan ang mga ito.

Anya,mahigit 100 na umano ang mga nakatala sa dokumento mula pa lang sa hanay ng mga mambabatas at lalo pa itong dadami kung maisasama ang mga tauhan ng mga ahensyang may partisipasyon din sa transaksyon.

Tumanggi si Lacson na tukuyin ang iba pang nakalista sa mahabang listahan ng mga sangkot sa scam.

Napili si Lacson na bigyan ng kopya ng listahan dahil hindi ito kumuha ng PDAF kaya tiyak na hindi kasama sa nasabing record.

Sinabi naman ni Senate President Koko Pimentel na dapat ay marinig muna ang salaysay ng negosyante para masuri at maikumpara sa iba pang record bago tanggapin sa witness proteksyon.

vuukle comment

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with