^

Police Metro

Kinidnap na guro nakatakas sa Abu Sayyaf

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang guro na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang nakatakas kamakalawa ng umaga sa kaniyang mga abductors sa  kagubatan ng Patikul, Sulu.

Kinilala ni Sr. Inspector Jemar delos Santos, Spokesman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police ang nakatakas na bihag na si  Sitti Doris Hamsirani, 45, biyuda, residente ng Sitio Palar, Gandasuli, Patikul, Sulu.

Magugunita na ang biktima ay nabihag ng mga bandido noong Marso 7 ng taong ito sa bisinidad ng Sitio Bakud Datan, Brgy. Timbangan ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, naispatan ng mga residente ang guro habang hingal na hingal dulot ng matinding pagod habang naglalakad sa kagubatan ng Sitio Putih, Brgy.Liang ng bayang ito dakong alas-9:30 ng umaga kamakalawa.

Nagresponde ang mga operatiba ng pulisya sa ilalim ng superbisyon ni Sr. Supt. Pablo Labra III , Provincial Director ng Sulu Police at ligtas na nasagip ang  biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with