^

Police Metro

Shootout sa Maynila: 2 holdaper utas

Ludy Bermudo - Pang-masa
Shootout sa Maynila: 2 holdaper utas
Inilarawan ng pulisya ang unang napatay na suspek na nasa pagitan ng 35-40 ang edad; may taas na 5’4”, nakasuot ng jacket na may yellow stripe, may tattoo na” April” sa dibdib at “Jomer Galicia” sa likod habang ang isa pa ay tinatayang may taas na 5’0”, nasa pagitan ng 30-35 ang edad na kapwa armado ng kalibre 38 baril.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Napatay ang dalawang hinihinalang holdaper habang nakatakas ang isa pa matapos maki­paghabulan at makipagbarilan sa mga otoridad kamakalawa ng gabi sa likod ng Philippine Postal Office, Lawton, Ermita, Maynila.

Inilarawan ng pulisya ang unang napatay na suspek na nasa pagitan ng 35-40 ang edad; may taas na 5’4”, nakasuot ng jacket na may yellow stripe, may tattoo na” April” sa dibdib at “Jomer  Galicia” sa likod habang ang isa pa ay tinatayang may taas na 5’0”, nasa pagitan ng 30-35 ang edad na kapwa armado ng kalibre 38 baril.

Bago nangyari ang shootout dakong alas-11:35 ng gabi sa Muelle del Rio St., Lawton ay nagsumbong sa pulis ang isang Erica de Guzman, 21, at live-in partner nito, kapwa residente ng Tondo, Maynila matapos silang holdapin at tangayan sa panulukan ng Dapitan at Lacson Sts., ng shoulder bag na naglalaman ng P2,350 at Samsung Note 4 dakong alas-9:00 ng gabi.

Ikinasa ang follow-up operation laban sa magka-angkas na suspek at sa ikatlo na sakay din ng isa pang motorsiklo.

Namataan ang tatlong suspek base sa deskripsiyon na ibinigay ng mga biktima at nang sitahin ay pinaputukan ang mga humahabol na mga otoridad na nauwi sa shootout na ikinasawi ng dalawa habang nakatakas ang isa.

Bukod sa dalawang baril na narekober sa dalawang napatay ay nakakuha din ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu at nabawi din ang shoulder bag ng biktima na nandoon pa rin ang mga laman.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with