^

Police Metro

Lalaki na nag-viral video sa pagpatay ng aso, kinasuhan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patung-patong na kasong kriminal ang isinampa kahapon ng Muntinlupa City Police laban sa lalaki na nag-viral ang video sa Facebook ang paulit-ulit na pagpalo sa ulo ng isang aso hanggang sa ito ay mamatay.

Sa tulong ng Baguio Animal Welfare, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8485 o ‘Animal Welfare Act of 1998’ ang suspek na kinilalang si Michael Bobby Potot Jr., alyas “Jay-R”, ng Brgy. Alabang, ng naturang lungsod na pinaghahanap ngayon ng pulisya.

Sinampahan din ito ng mga kasong ‘grave threat, trespassing at damage to property’ ang suspek ng complainant na si Redge Abela Espanilla at Rea Espanilla, mga may-ari ng pinaslang na asong si “Seven”.

 Sa viral video na umabot na sa 48,000 share, makikita ang isang lalaki na hinahampas ng dos-por-dos na kahoy sa ulo ang isang aso hanggang sa tuluyang mapatay ito. 

Kinunan ang video ni Redge Espanilla na sinabing hindi niya nagawang awatin ang suspek dahil sa buntis siya at sa takot na pati siya ay idamay.

 Nag-ugat umano ang galit ng suspek sa aso nang ha­bulin ang kanyang batang anak ngunit iginiit ni Espanilla na hindi naman ito nangangagat dahil nang-aamoy lang. 

Unang hinampas ng kahoy na panlaba ang aso ngunit umuwi at nang bumalik ay may dala nang dos-por-dos na kahoy saka pinasok ang bahay ng mga Espanilla at pinatay ang aso.

May nakalaan na pagkakulong na hanggang dalawang taon at multang aabot sa P100,000 kung mapapatunayan na nagkasala sa Animal Welfare Act.  Patuloy namang pinaghahanap ngayon ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with