Rice traders ipinatawag ni Digong
MANILA, Philippines — Upang malaman ang tunay na estado ng suplay ng bigas ay ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga malalaking rice traders sa bansa.
Sa Facebook post ni Agriculture Sec. Manny Pinol na layunin ni Pangulong Duterte na makausap ng face-to-face ang mga rice traders upang iparating ng chief executive na hindi uubra sa ilalim ng kanyang administrasyon ang pagmanipula nila sa presyo at pag-ipit sa stock ng bigas.
Inatasan ni Pangulong Duterte si National Food Authority (NFA) chief Jason Aquino upang mapadali sa mga rice traders ang kanyang imbitasyon para sa isang pulong.
Anya, nais ng Pangulo na harapang sabihin sa mga rice traders na hindi dapat magsakripisyo ang mga Filipino consumers sa mataas na presyo ng bigas.
- Latest