^

Police Metro

Parak nangotong ng drug pusher, inaresto

Joy Cantos - Pang-masa
Parak nangotong ng drug pusher, inaresto
Ang nasakoteng pulis ay kinilalang si PO3 Ritchie Saquilabon, nakatalaga sa Cebu City Police Office Station 1.
File

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga operatiba ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF)  ang isang pulis na nangotong kapalit umano ng pagbasura sa kasong droga sa isang nahuling umano’y drug pusher sa entrapment operation sa Cebu City nitong Lunes ng hapon.

Ang  nasakoteng pulis ay kinilalang si PO3 Ritchie Saquilabon, nakatalaga sa  Cebu City Police Office Station 1. 

Sa ulat, bandang alas – 5:45 ng hapon nang masakote si PO3 Saquilabon sa ikinasang entrapment operation ng CITF Special Task Group Visayas sa aktong tinatanggap nito ang P20,000 marked money mula sa complainant sa lungsod ng Cebu.

Sa sumbong ng complainant na kinilalang si Richie Labus, 32, binata ng Banilad Cebu na siya ay inaresto ng team ni  PO3 Saquilabon kaugnay ng paglabag sa  Republic Act 9165, o Dangerous Drugs ACT of 2002. 

Subalit, hiningan umano siya ni PO3 Saquilabon ng P 20,000 piso para hindi ito sampahan ng kaso ng mga pulis kaya nagsumbong siya sa CITF.

vuukle comment

RITCHIE SAQUILABON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with