^

Police Metro

Paslit dinukot, ginahasa ng tiyo

Danilo Garcia - Pang-masa
Paslit dinukot, ginahasa ng tiyo
Ang suspek ay kinila­lang si Herbert Tagulao, 29, na sinampahan ng kasong kidnapping, rape at child abuse.
File

MANILA, Philippines — Inaresto ang isang lalaki matapos umanong tangayin mula sa paaralan at gahasain ang kaniyang 8-anyos na pamangkin sa Caloocan City noong Lunes.

Ang suspek ay kinila­lang si Herbert Tagulao, 29, na sinampahan ng kasong kidnapping, rape at child abuse.

Inaresto rin ng pulisya ang live-in partner nitong si Airis Jandog, 29, dahil sa pagiging ‘accomplish’ o kasabwat umano sa krimen.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang dukutin ng suspek ang biktimang itinago sa pa­ngalang “Joy” sa loob ng Kasarinlan Elementary School sa may Brgy. 28, Caloocan City. 

Iniuwi umano ng suspek ang bata sa kaniyang bahay, pinaliguan at saka hinalay. Pumasok pa umano sa bahay ang live-in partner ng suspek, pero wala itong ginawa.

Pagkatapos ng insidente, binihisan umano ang bata at saka iniwan sa isang highway dakong ala-1:00 ng hapon kung saan nakita siya ng mga security guard na siyang nag-ulat sa mga opisyal ng barangay.

Agad namang nagkasa ng operasyon ang pulisya at barangay na nagresulta sa pagkakadakip nina Tagulao at Jandog kamakalawa ng gabi.

vuukle comment

HERBERT TAGULAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with