^

Police Metro

AFP nakaalerto sa NPA attack

Joy Cantos - Pang-masa
AFP nakaalerto sa NPA attack
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Bienvenido Datuin Jr., karaniwan ng naghahasik ng terorismo ang NPA terrorist laban sa tropa ng pamahalaan at maging sa mga  inosenteng sibilyan sa tuwing magdaraos ang mga ito ng anibersaryo.
File

MANILA, Philippines — Kaugnay nang paggunita sa ika-29 taong ­anibersaryo ng teroristang New People’s Army (NPA) sa Marso 29 ay inalerto na kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang puwersa sa buong bansa laban sa posibleng pag-atake ng te­roristang grupo.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Bienvenido Datuin Jr., karaniwan ng naghahasik ng terorismo ang NPA terrorist laban sa tropa ng pamahalaan at maging sa mga  inosenteng sibilyan sa tuwing magdaraos ang mga ito ng anibersaryo.

Sinabi ng opisyal na sa mga nakalipas na taon ay pinatitindi ng NPA terrorist ang inilulunsad nilang mga  pag-atake tulad ng mga raid, ambushcades at pa­nanabotahe laban sa tropang gobyerno, mga pampublikong establisyemento at maging sa mga pangunahing instalasyon ng.pamahalaan.

Sinisisi rin ng opisyal ang NPA terrorist sa idinulot na matinding abala sa serye ng mga protesta sa Metro Manila.

Anila, bagama’t wala namang direktang natutukoy na ang NPA rebels ang  nagsasagawa ng kilos protesta sa Metro Manila karamihan sa mga ito ay mula sa makakaliwang grupo tulad ng Bayan Muna, Bayan, Karapatan, Piston at iba pa na may koneksyon o al­yansa sa NPA terrorists.

vuukle comment

BIENVENIDO DATUIN JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with