^

Police Metro

5 na ang patay sa Manila Pavilion fire

Ludy Bermudo - Pang-masa
5 na ang patay sa Manila Pavilion fire
Magugunita na sumiklab ang sunog kamakalawa dakong alas-9:42 ng umaga na umakyat sa Task Force Bravo na tuluyang naideklarang fireout dakong 10:56 ng umaga kahapon.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Umakyat na sa limang katao ang nasawi sa naganap na sunog sa Manila Pavilion na halos mahigit isang araw bago idineklarang fire out.

Magugunita na sumiklab ang sunog kamakalawa dakong alas-9:42 ng umaga na umakyat sa Task Force Bravo na tuluyang naideklarang fireout dakong 10:56 ng umaga kahapon.

Kinumpirma ng mga otoridad ang mga nasawing sina Billy De Castro, Edilberto Braga Evangelista, Marlyn Omadto, John Mark Sabido at Cris Sabido.

Nabatid na under renovation ang 22-palapag na hotel nang maganap ang sunog na may nagsabi kamakalawa na bunga ng isinasagawang welding subalit mariing  itinanggi ng management ng Manila Pavilion ang mga ulat kabilang ang sinasabing walang nakitang gumanang sprinkler system kaya hindi agad naagapan ang sunog.

vuukle comment

MANILA PAVILION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with