^

Police Metro

Beybi todas sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 8 buwang sanggol na lalaki ang nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay naganap kamakalawa sa Brgy. Polanco, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang biktima na si Jaskevin Atab, na nasawi sanhi ng cardio respiratory arrest sa tinamong 41% na pagkasunog ng kaniyang katawan.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Angelo Dalagan, na nagtamo ng mga paso sa katawan nang pasukin ang nasusunog na bahay para iligtas ang sanggol.

Batay sa ulat, bago naganap ang sunog dakong alas-11:20 ng tanghali sa bahay ng pamilya Atab ay pansa­mantalang iniwan ng ama na si Ernesto ang mga bata na sina Jasmine Dumdumano, 5; at Justine Dumdumano, 2; mga anak sa una ng kaniyang misis upang ibili ng gatas si Jaskevin.

 Laking gulat ng kanilang kapitbahay na si Macrelito Iso nang makitang nasusunog ang bahay ni Ernesto kaya agad itong humingi ng tulong kung saan sumaklolo sina Angelo Dalagan at Salimar Bicoy at nagawang mailabas mula sa nasusunog na silid ang sanggol at dalawang bata, subalit namatay ang sanggol. Lumilitaw naman sa imbestigasyon na naglaro ng posporo ang dalawang paslit na pinagmulan ng sunog na nagsimula sa silid kung saan natutulog ang sanggol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with