^

Police Metro

Totoy nilamon ng ilog

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang 10-anyos na totoy matapos siyang lamunin ng ilog habang masayang naliligo kasama ang mga kaibigan sa Brgy. Gatbuca sa bayan ng Calumpit, Bulacan, Sabado ng hapon.

Kinilala ng mga otoridad ang sawing-palad na menor-de-edad na si Rayber Garcia, residente ng Brgy. Frances makaraang isugod ng mga rumespondeng rescue team sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rey Perico dakong alas-4:00 ng hapon ay nagpunta ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa Pampanga River sa naturang lugar upang maligo bunsod ng mainit na panahon.

Habang naliligo ay napadako ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog at dahil may kalakasan ang agos sa bahaging iyon ay bigla na lang umano itong nilamon pailalim ng rumaragasang tubig.

Tumagal pa ng ilang oras ang paghahanap sa biktima hanggang sa kusa itong lumutang ilang metro ang layo sa kinalubugan nito saka kaagad na isinugod sa ospital ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with