^

Police Metro

No. 3 most wanted sa Taguig, tiklo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng batas ang kriminal na ikatatlo sa talaan ng ‘most wanted’ makaraang mapag-alaman na nagtatago ito sa isang bahay sa Brgy. Fort Bonifacio lungsod ng Taguig, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ng pulisya ang inarestong kriminal na si Arlo Labjata, alyas “Palos”, 23-anyos, mi­yembro ng Sputnik Gang, at may warrant of arrest buhat sa Taguig City Regional Trial Court sa dalawang kaso ng robbery hold-up.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauahan ng Taguig City Police sa superbisyon ni P/Sr. Insp. Romel Bulan nang may nag-tip sa kanila sa kinaroroonan ng suspek.

Dito na ikinasa ang operasyon kung saan hindi na nakapalag pa ang suspek matapos paligiran ng mga pulis ang bahay na kinaroroonan nito bitbit ang mandamyento de aresto.

Nabatid pa na bukod sa mga kinasangkutang pagnanakaw sa Taguig City, matunog din ang pa­ngalan ni Labjata sa mga pagnanakaw sa Makati at Pasay City. Nanawagan naman ang pulisya sa mga nabiktima ng suspek na dumulog sa Taguig City Police upang kilalanin siya at makapagsampa rin ng kanilang kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with