^

Police Metro

Tigil-pasada ng PISTON tuloy ngayon

Pang-masa
Tigil-pasada ng PISTON tuloy ngayon
Ayon kay PISTON leader George San Mateo, magiging sentro ng kanilang transport holiday ang mga area sa Metro Manila, kabilang ang Novaliches at Cubao sa Quezon City, Monumento sa Caloocan City, Alabang sa Muntinlupa City, at Anda Circle sa Maynila.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Tuloy ngayong araw ng Lunes ang transport strike na isasagawa ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON).

Ayon kay PISTON leader George San Mateo, magiging sentro ng kanilang transport holiday ang mga area sa Metro Manila, kabilang ang Novaliches at Cubao sa Quezon City, Monumento sa Caloocan City, Alabang sa Muntinlupa City, at Anda Circle sa Maynila.

 Ang kilos-protesta ay lalahukan ng may 60,000 jeepney drivers para ipakita ang kanilang pagtutol sa modernization program ng pamahalaan.

Isasagawa rin ang tigil-pasada sa mga lalawigan ng Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Batangas at Northern Mindanao.

Naninindigan ang mga miyembro ng PISTON sa kanilang pagtutol sa public utility vehicle modernization program ng gobyerno na anila’y “anti-poor’ ito na makakaapekto sa libu-libong jeepney drivers at operators sa buong bansa.

Kaugnay nito ay mag­lulunsad naman ng libreng sakay ang mga lokal na pamahalaan sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela City) para sa mga kababayang ma-iistranded sa biyahe.

Sinabi ni Irish Cubillan, information officer ng Navotas City, nakagawian nila na paghahanda ng mga van at truck para maghatid nang libre sa mga pasahero tuwing may tigil-pasada ang mga transport group.

Nakaalerto naman na ang Deparment of Public Safety and Traffic Management Office at Caloocan City Police laban sa mga raliyista na magtatangkang mangharang sa mga tsuper na gustong pumasada.

Sa Valenzuela City naman ay nakaantabay na rin ang lokal na pamahalaan na magpakalat ng mga sasakyan para sa libreng sakay.

vuukle comment

PISTON

TRANSPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with