^

Police Metro

‘Adik’ napatay ng pulis sa ospital

Mer Layson - Pang-masa
�Adik� napatay ng pulis sa ospital
Batay sa ulat bago nangyari ang aksidente sa loob ng emergency room ng nasabing ospital ay inireklamo ang suspek ng mga residente ng Brgy. Masagana, dahil palakad-lakad, nagsasalita nang mag-isa at nais umakyat sa mga bahay at may hinala na sabog sa droga.
File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki na umano ay sabog sa ipinagbabawal na droga matapos niyang agawin ang baril at makipagbarilan sa mga pulis na nagdala sa kanya sa emergency room ng Quirino Memorial Medical Center, Quezon City, kamakalawa.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Ronald Gallo, 31, ng No.230 Pili St., Brgy. Hagonoy, Taguig City.

Batay sa ulat bago nangyari ang aksidente sa loob ng emergency room ng nasabing ospital ay inireklamo ang suspek ng mga residente ng Brgy. Masagana, dahil palakad-lakad, nagsasalita nang mag-isa at nais umakyat sa mga bahay at may hinala na sabog sa droga.

Nang respondehan ng mga pulis ay nakita na may sugat ito sa kamay kaya’t dinala muna sa naturang ospital para ipagamot.

Habang nasa ospital ay ayaw umanong magpagamot nito at bigla na lamang inagaw ang baril ni PO1 Eric Macaraeg at nagtatakbo.

Nakipagpalitan ng putok ang suspek sa iba pang pulis na nagresponde sa pangunguna ni PO3 Feliciano Hipilito na nagresulta ng pagkakapatay ng suspek.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with