^

Police Metro

Barangay officials na walang BADAC, kakasuhan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbanta kahapon ang Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang sasampahan ng kaukulang kaso ang mga opisyal ng barangay na hanggang ngayon ay wala pa ring Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Ayon kay DILG spokesman Assistant Secretary Jonathan Malaya, hindi naman sila nagkukulang sa pagpapaalala sa mga barangay leaders na magtayo ng BADAC kaya walang dahilan upang makalimot silang mag-organisa nito.

Sa katunayan aniya, paulit-ulit na nga sila sa pagsasabi sa mga barangay officials na magtayo ng BADAC, lalo na ang mga barangay na malala ang problema laban sa illegal na droga. Noong nakaraang taon aniya ay nagpadala pa sila ng liham sa mga naturang barangay officials, at hiningi ang kanilang paliwanag kung bakit wala silang BADAC.

Sa kabila nito, hindi pa rin tumatalima ang mga naturang barangay officials sa paglalagay ng anti-drug councils.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with