^

Police Metro

2 tambay sa Maynila, pinatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang hindi pa kilalang lalaking naka­tambay sa nakaparadang tricycle ang pinagbabaril ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo  kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Inilarawan ang isang  biktima na namatay noon din dahil sa tama ng bala sa ulo  na nasa pagitan ng edad na 30-35, 5’4” ang taas, payat, may tattoo na “BCJ 3” sa likod, nakasuot ng sando na green may burdang “Celtic 9” sa harap at “Rondo 9”sa likod, itim ang shorts.

Ang ikalawang biktima ay naitakbo pa sa Justice Jose Abad Santos Ge­neral Hospita (JJASGH)  ay idineklarang dead on arrival bunga ng tama sa kaliwang dibdib ay inilarawan sa alyas na “Toto”, nasa 40-45 anyos, 5’5” ang taas, balingkinitan, nakasuot ng jacket na itim, panloob na sando brown, at  brown  din ang shorts.

Sa imbestgasyon, dakong alas-4:07 ng mada­ling araw ay nakatambay ang dalawang biktima sa harap ng National Bookstore sa Rizal Avenue kanto ng  Soler St. Sta. Cruz, Maynila nang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek.

Pumuwesto sa likod ng tricycle kung saan nakaupo ang  may tattoong biktima  at biglang binaril sa likod na tumama sa kaliwang dibdib.

Nagawa pang makalabas ng tricycle ng biktima, subalit bigla itong tumumba dahil sa dami ng lumabas na dugo bago pinagtulungang itakbo sa ospital.

Habang ang isang biktima ay malapitang binaril ng backrider sa ulo na agad nitong ikinasawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with