^

Police Metro

MRT-3 limang araw na tigil biyahe sa Semana

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi bibiyahe ng 5 araw ang mga tren ng Metro Rail Transit (MRT) 3 sa Semana Santa upang bigyang daan ang maintenance operations o pagkukumpuni sa mga sirang bagon at iba pang bahagi ng naturang mass transportation system.

 Ito ang iniabiso ng MRT na ipinaskel sa kanilang mga station partikular na sa mga ele­vator at hagdanan upang ipaalam ito ng maaga sa daan-daang mga commuters.

Hindi bibiyahe ang mga tren simula Marso 28 (Miyerkules Santo) hanggang Abril 1 (Linggo nang Pagkabuhay) upang bigyang daan ang ‘maintenance operations’ nito.

Babalik naman sa normal ang operasyon ng mga tren ng MRT sa Abril 2 , araw ng Lunes.

Ang MRT ay bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA mula sa North Avenue sa Quezon City hanggang sa Taft ­Avenue sa Pasay City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with