^

Police Metro

Wanted napatay ng mga pulis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa halip na sumuko sa mga otoridad nang silbihan nang warrant of arrest ay nanlaban ito kaya’t napatay sa naganap na shootout kamakalawa sa Brgy. Manlocahoc, Sipalay City, Negros Occidental.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si ­Emerson Antepaso Jr.

Kinilala naman ang mga nasugatang pulis na kasapi ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 6 ay sina PO2 Joy Pabera, nagtamo ng sugat sa dibdib at PO2 Armando Arsenal, bahag­ya namang nasugatan sa bahagi ng kaniyang ulo. 

Batay sa ulat, bandang alas-12:25 ng tanghali habang isinisilbi ng mga elemento ng Sipalay City Police ang warrant of arrest laban kay Antepaso kaugnay ng kasong murder ay nanlaban ito nang paputukan ang mga arresting team na kung saan ay tinamaan ang dalawang pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng suspek na number 1 most wanted na kriminal sa Sipalay City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with